KWENTONG KUNEHO: Mga rabbit-mode stories
Mga pakikibaka, pakikipagtunggali, pakikipagsapalaran, at pagkakandirit ng isang kuneho sa mundo ng mga tol-pare-dude-tsong.
Friday, December 10, 2010
Ring ring ring my phone and my mind but please not my heart
ring ring ring...
"pare, kamusta yung application ni Chess ng passport? matagal ba? gano katagal?"
"depende. kase pa-sched ka muna sa internet, then kung nagmamadali ka, piliin mo yung pinakamaaga...chenes chenes, ek ek, eklabarba. payo galore. na akala niya ata taga DFA na ako."
"ahh.. aayusin ko kase yung sa akin."
"ay wala ka pa pala?"
"oo."
"san ang travel?"
"Singapore."
"Wow. supplyan mo ako ng singapore perfumes. magnenegosyo ako dito."
"gagi. pare.."
"...bakit?"
"natanggap ako sa SG."
...patlang.
ulit.
"ano?"
"nag apply kase ako.. isang araw lang ininterview ako via phone, tapos tanggap na ako."
"kelan ang start?"
"sa 17 January."
"pak! congrats."
"Pare... tanggapin ko ba?"
"bakit hindi?"
"...si gelo kase."
"ay... hindi ba niya maiintindihan?"
"nung naikwento ko kase na nagaapply ako, sabi niya: iiwan mo na ako?"
(background lang, parehong industry sina Pareng Berto at gelo. magjowa sila. pero magkaiba sila ng company. Sila yung mga kinukwento ko sa past blog entries ko)
{arte ni gelo ha. feeling niya siya si denise laurel sa Martha Cecilia's Kristine? ahah}
"hmmm... nasabi mo na sa kanya?"
"na natanggap ako? hindi pa."
"sabihin mo na." (ako na ang mapilit)
"hindi pa ako sigurado e."
"...kung? sasabihin mo? o kung tatanggapin mo yung work?"
"hindi ko alam kung go go go ako sa sa SG. iniisip ko si gelo. kawawa naman siya. syempre, pag nasa ibang bansa na ako, mahihiya na yun tumira sa amin, san yung titira? sabi nga niya sa akin, pag daw umalis ako babalik na lang muna siyang Gapo."
"alam mo pare, kahit na sa loob ng 3 taon e magkasama kayo, meron pa rin kayong sari-sariling plano sa buhay. malamang sa alamang e meron din siyang pinaplano na pinagpapaliban niya muna habang kaya pa, just because of you. gusto nyo ba yun? na dahil sa isa't isa e hindi niyo maisasakatuparan (shet lalim) ang inyong mga pangarap? Gusto mo ba magwork sa ibang bansa?"
"oo naman. kaso..."
"kung hindi ngayon? kelan pa? (katarungan para kay ka dencio!-Vilma S.)"
"hindi ko alam pare. Ikaw ba, pano pag nasa posisyon ko ikaw?
"ano bang posisyon yan? 69? kahit ano pa yan kaya ko yan. ahaha. char! Hmm.. ako tutuloy ako sa SG. knowing Chess, maiintindihan niya ako. Kase hindi naman para sa akin lang yun. alam niyang kasama siya sa mga gagawin ko dun. (uuy may ibang intesnyon. maghahanap ng singaporiano) But I dont know for gelo ha, kase hindi ko naman siya jowa diba. ikaw ang nakakaalam. Why not pag applyin mo din siya dun?
"ayaw niya. ayaw niya daw."
"ay ganun? pak. derechahan."
"pero may balak siya. hindi pa lang ngayon?"
"So kelan nga? bukas pwde na ba? haha"
"diko din alam sa kanya. pero pare.. hindi naman siya yung ikina-wo-worry ko e."
"(syempre inisip ko ako. bwahaha. chos lang) e ano, sino, magkano?"
"ako. baka ako yung sobrang malungkot dun. mamimiss ko si gelo."
patlang..
...kuliglig.
"pare? still there?"
"..pre! ahah.oo dito pa. sorry choppy. tadtad ang linya. (ang cliche) e.. nasa saiyo yan pare. we all have options. o siya siya. sensya na pre may event ako ngayon e. haggardo versoza lang ako. tawag ako mamaya"
"oks oks. sige pare. salamat ha. secret muna natin to. please. kahit kay chess wag mo muna sabihin"
"oo. prameys. pangako."
busy tone.
tinext ko siya: Pare. hongsweet mo naman. ahaha, ayaw mo tlga mawalay kay gelo. Still, Im proud of yah. hehe
reply naman siya: naguguluhan pa rin ako.
"lam mo pare, sabihin mo na kay gelo. He deserves to know. at least you can start from there, see how he reacts, then you guys plan and decide."
hanggang nag online ako ng madaling araw... online siya. at yun pa rin ang topic namin. (IKR! pasawa naman teh diba?)
"nasabi mo na?"
"di pa pare"
"anjan ba siya?"
"oo. tulog:("
"ikaw bakit gising pa?"
"di ako makatulog. nakatulala ako parang tanga."
"tsk tsk tsk. yun pa rin iniiisip mo. kase naman sabihin mo na sa kanya. kase kung ako siya magtatampo ako na hindi mo pa sinasabi sa akin.
"bukas pare. haaai bakit ganun? hindi ako masaya?"
"na?"
"natanggap ako."
"wala naman talagang totally masaya na work at super enjoy e. pero kaya naman tayo nagtatrabaho kase may gusto tayong makuha na makakapagpasaya sa atin.. pero kung sa simula pa lang e mukhang malulungkot na tayo, bakit pa natin kailangan trabahuhin at magpakapagod sa isang bagay para lang paiyakin tayo. wag teh, nakakapanget at nakakakulubot ng bayag." (yun ang concern ko tlga)
"pare.."
"alam mo ba yung: Choose what you love. Love what you choose? (syempre tuloy tuloy lang ako sa pag chacharo santos)... We all have choices, hindi lang ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, merong mga maguguluhan pumili ng toothpaste, ng kulay ng panty, at kung anung kakainin sa lunch. maraming options, pero people always tend to choose what will make them happy. It's human nature. unless masochisto ka teh. at pag nakapili ka na, kailangan mo yun panindigan. Love what you choose. wala ng urungan."
"haai pare. salamat ha. sa mga sinasabi mo.. naliliwanagan ako. meralco ka ba?
"(tangena lumilinya pa e) actually, oo. at tataasan ko singil ko sayo dahil iniiwan mong nakabukas ang plantsa. you're so hot. (laban pa sa linyahan. haha)"
"hahaha. haaai. mukhang ok na ako. pare.. mukhang makakatulog na ako."
"sige sige. tulog na ha. baka ngumanga ka na naman."
"haha. gagu. sige. tatabihan ko na si gelo. tititigan."
"hmm.. TITI-gan. lovet. ge na pare. :)"
"pare salamat tlga ha."
sign out.
--------------------------
Wala na akong nararamdaman para sa kanya.
Pero kinukurot pa rin ng bahagya ang superior vena cava (part of heart. ahha. nag explain tlga??) ko kapag naririnig ko kung gano niya kamahal si Gelo.
wala lang. na-share ko lang.
Mahal ko din si Chess. Sobrang Ok kami ngayon. kesa dati. Kahit na hindi kami masyadong nagkakasama ngayon, mas ok. mas naiintindihan niya ako. at mas sweet siya at mas angel condensada ako sa katamisan.
Pero iba talaga pag may nakaraan kayo nung isang tao.
babalik at babalik ito to haunt your contented life. and even if you want to get rid of the feeling as much as possible, it'll possess your sanity and try to corrupt your contentment. Haaai.
Hindi ko na siya gusto.
Wala na siya sa aking sistema.
matagal na.
OO noh.
Pramis.
Cross my hart.
Tinapon ko na ang susi sa Sun. (wag lang sa singapore please baka siya ang makakuha)
OO. tama. wala wala wala. tama. wala.
juskolawrd. wag sanang humaba ang ilong ko sa mga pinagsasasabi ko..
kahit titi ko na lang. chos.
hay pare.
Wednesday, December 8, 2010
Im Back...la
Wednesday, November 24, 2010
Suprays Suprays!
may limang dipang tao
kitakits sa Busuanga!
Saturday, November 20, 2010
Surviboys
I survived.
Inaantok na ako. Pero sige lang, magpopost muna ako. Ilang araw din akong nag-hibernate sa pagba-blog dahil sa mga pakshet na mga tasks sa buhay na yan. haha
Medyo nabawasan na mga ginagawa ko, kase natapos na yung mga estudyanteng tinuturuan ko.
Hindi nanalo sa contest yung tinuruan kong group. Nagtataka din ako kung bakit. Uber chaka nung nanalo. Hindi katanggap tanggap ng lipunan ang performance na iyon kahit sa That's entertainment hindi papasa sa 12midnight slot. Nakakaawa din ang mga bata, ganun ganun na lang ka-shunga ang mga judge na parang nahugot lang sa jollijeep at inimbitahang maging hurado at iwan muna ang pagtitinda ng spageti at turon.
Pero...ok na. matalo-manalo... bayad pa rin naman ako. hahaha
Hindi alam ng mga kids na may kapa akong rosas sa likod ng mga long sleeves ko pag nagtuturo sa kanila. Minsan kasi ay nagpa-praktis kami after class nila at after office ko naman. Kaya naman pormal pormalan ang suot ko. (Minsan sinasadya kong magpacute kase ang sarap isiping pinagnanasahan ako ng twinks. haha)
Actually, among the boys sa tinuruan kong group, may mga 2-3 na mga may feza value, pero sadyang mga bata pa at wala pang kalaman laman, pero alam mong pag tumanda ng kaunti yun at sumagana ang libog sa katawan e hunk na hunk mga appearance din nila.
Ang nakakatawa pa, may isang babae dun. Hindi ko alam kung may ADHD ba si ate o sadyang napaka-pa-close lang niyang hitad siya. Pero keri naman ang fez niya, maganda pag naayusan, virginal ang ganda, at hubog din ang katawan. (uuy insekyora ako. ahah) As I was saying, yun nga si ate, pag dumadating ako at haggardo versoza sa traffic sa SLEX, siya agad ang maririnig ko, "anjan na si kuya, umayos na kayo."
tapos pag pinagpapahinga ko sila, lumapit siya ng konti then tanong ng... " Kuya, ilang taon ka na?"
Sumagot ako, "Hulaan mo." (pacute lang ako. ahaha)
tumawa siya, "hihihi" (tangena mas pacute ang hitad!)
sabi ko, "23."
at saka siya, " aahhh.. hmm.. .. ahh.. hehe" sabay tingin dun sa katabi niya.
Pag naman nagtuturo ako, sisingit siya at magtatanong, "Kuya may formal training ka ba sa ganito, sa ganyan, sa ganire."
at sasagot lang ako ng maraming iling. "Wala. wala. wala. kahit pagchupa wala akong formal training. Kahit pag jakol self study."
echos lang. diko inispluk yon. nakakapuwing ang pagkapaminta
At nung tapos na ang contest at paalis na ako, humabol siya ng, "Kuya, thank you po sa lahat ha, next year ulit." Sabay titig at ngiti.
Feeling ko, umawit si Igamu ng Shigi Shigi wo ay shigi wumba.. at tumawag ng, "Ang time space warp, ngayon din!" Feeling ko, HS na naman ako, na nakikipag flirtan sa mga bebot. (shet bebot daw. bubula bibig ko.)
Akalain mong sa ginawa kong pagpapa-cute sa mga lalakeng member nung group, e yung babae ang natamaan ko. Hindi naman sa Yucki-kadiri-putanginang-lason-yan, pero, pag nalaman niyang pinagpapantasayhan ko yung ka-groupmate niya e baka hindi na yun mag aral pang muli.
Shet antok na talaga ako. Wala na akong masulat na matino.
Naalala ko pala...
Since kwentong HighSchool. Meron akong ka-labteam nung HS. Mala Jolina-marvin ito. Syempre.. ako si Jolens. chos. ahaha
Muslim si ate. at marami silang magkakapatid. Halos lahat gn year level pinakyaw na nila sa school, at taon taon merong isa silang kapatid na gumagradweyt, at pumapasok as first yr hs. Ganun kasipag ang ama't ina nilang gabi gabi atang nag uubusan ng lakas.
fast forward. Nakilala ko yung isa niyang nakababatang kapatid na lalake. In-add ako sa FB, at minsan e nag-YM kami. Kwentuhan ng konti. SObrang konti. mga 1 day lang. tapos di na naulit. Hiningi niya number ko. Sun. sabi niya. Sun din daw siya at tamang tama daw. pero hindi naman siya nagtext. or nagtext siya pero hindi nagpakilala.
Siya pala ang pinakabata. sa pagkakaalam ko. shet. na-feel ko tuloy. ang tanda ko na. ahaha
pero... hangakyuut niya. Hindi siya ung conventional na cute. Siya yung, tangena-ang-sarap-i-hugna-cute. Pogi din kase. Pero sa pichur ko lang naman siya nakita. makulit ang mga photos niya sa FB. Mukhang siya ang papalit kay Ramon bautista.
Fast forward ulit.
Nung contest nung Thursday, kasama siya sa other group na kalaban ng group na tinuruan ko.
Nakita ko siya, pero hindi na ako nagpapansin kase matagal-tagal na din kaming hindi nakakapag-usap sa FB o sa YM. Ayaw ko naman maging feeling. haha (at baka mahalata niyang sa kanya na nabaling ang pagtingin ko, mula sa ate niya. hahaha)
Pagkatapos nung group na tinuruan ko magperform wherein ako ang nagmaniobra ng sounds, pag tayo ko sa sound booth, dan dan dan daaaan... andun siya. Kaso may kasama. At binati ako (bate na lang sana. haha)
"Kuya, sila pala ang tinuruan mo?"
"Uy, musta? oo. hehe"
"galing galing. ganda. grabe"
"haha. Mas maganda yung sa inyo. Good luck pare ha." (nambola pa ako kahit na ang chaka Khan naman)
at dun ko siya unang personal na nakita. natitigan. at nasipat. hindi pala siya cute. Hampogi pala niya. At hindi siya ganun kaliit. Medyo katamtaman lang tangkad niya (meaning. hindi siya masyado pala-jakol. ahhaa. chos!)
Kinabukasan. Mega message na ako sa FB niya.
"Pare, congrats pala. Hindi na kita nabait kahapon. masyado kayong nagkakasiyahan e. hehe."
at sumagot agad siya ng, "Salamat po kuya"
sabay segue ko naman, "Nagkakitaan din tayo sa personal. haha"
At ang sagot nya, " Oo nga."
Ok. matabang. aahaha. mukhang hindi ako type ng mokong... Mukhang hindi pa siya PLU. In time.. in time. ahaha
at hindi ko na siya sinagot pa.
At dahil, andun na din ako sa school, sumipat na ako ng mga twinks na naka-costume. haha.
Madalas pa naman ang costume nila, walang pang itaas. Whew!
at ito
mukhang gustong magkatikiman nina kuya. haha
Zzzz..tulog na tayo mga pare. good night!
ay.. morning.
..mornight na nga lang para jejemon na jejemon. jejejejej:D
jakulan na!
PS: Pagpasensyahan niyo na kung mga walang kwenta ang napopost ko ngayon. Sobrang sabog ko lang tlaga this past few days. Intindihin niyo na. naghihirap, walang pang iniksyon, nagkulang sa gamot, hindi nakapagpacheck up. ahahaha
Tuesday, November 16, 2010
Pagoda Cool Wave Lotion
Sobrang exhausted ako ngayong week na ito.
Feeling ko eh college student pa rin akong maraming projects at exams.
Andami kong pinagdadadaanan ngayong bottleneck ng buhay ko na talaga namang nakakatambling.
Palapit na ang pasko at kinakabog pa rin ako ng mga gastusin. hahaha. Isa ako sa aasahan ni mothergoose na magpoprovide for them/us, which is no biggie, pero with the crisis I am having right now, medyo kailangan ko mag todo effort.
So ito ang mga pinagkakaabalahan ko ngayon ng sabay-sabay. Take note: sabay sabay.
1. Regular work. I'm always on field work so I don't really have a definite time when to get to the office. I can show up after lunch or even work at home. However, this past few weeks/months, we're preparing for 3 events coming before the year ends, so I have to report to the office and submit project status and meet with clients, etc, pak pak pak. And that really sucks.
Our other colleague, who happens to be my syota, already resigned. And we're only 2 in the department working our ass on those projects. Shet.
2. Our salaries are delayed. nuff said.
I'm still curious as to when will I receive myika-labintatlong grasya mula sa poong maykapal a.k.a 13th month pay, or my fucking hellyeah bonus.
My parents didn't know my situation so I have to use my savings to cover up some household expenses and other gastosesoses.
3. I accepted an urget and uber-tangina-mo rush sideline-raket project. I usually train students for a speech choir or theater production atleast 2x every year. I was informed last Thursday that there will ba a contest on the 18th and the students need me to train them. Yes. November 18. pakshet. Akala ata nila may bato ako ni darna. Well, meron kaso hiniram. Ang meron lang ako ay aborloloy ni Krystala. Pero hindi nun kayang magdagdag ng oras sa relo at araw sa kalendaryo like: November 15.5, 15.6, 15.7 bago mag November 18.
So ang ending, wala akong weekend. And since national non-working holiday ngayon..DAPAT.. eh, nagturo ako ng mga estudyante.
And due to over fatigue, when I get home, I sat on my bed... and... zzzzzzz
I woke up at around 3:30am. 7hours of sleep. complete! Alang alang sa sangka-perahan, thiz iz it!
4. BF has no job right now. Since he resigned dahil na imbyernadet sembrano na siya sa salary delays, he took the courage to be bum. yes..the courage. magpapasko napakatapang niya!
He's now taking his time at mukhang nag-eenjoy sa buhay bum. Pumupunta sa bahay ng ate niya, dun natutulog minsan, pumupunta sa bahay.
He's not of a stress actually kase he still has savings... yata.
But you know life's drill.
When we go out, hindi ko naman kayang pagbayarin siya ng kinain niya o kinain namin. Alam ko namang hikahos siya sa buhay ngayon. haha. Para in case, pwede din ako magmaganda in the future at magpaka-bum din, at siya naman manlilibre sa akin. haha
5. Personal business. Well, thank God at anjan si jowa para asikasuhin ang online business. He's the one meeting the suppliers, the buyers, etc. Actually, he's also helping me with the sideline-rush -pakshet project, doing the logistics. My mom is also helping me with the business, looking for buyers. Whew! But still, I have to head over the business and stress myself thinking what to do next.
6. Mini company. My friends and I put up a small advertising agency and since we're just starting there are lots of legwork to be done. I have a lot of tasks to do na infurrnez sa akin e... wala pa akong nagagawa. ahaha. Kahit pag-aralan ang mga accounts, wiz! ahaha
Pero naii-stress pa rin ako kase imagine, araw araw mo pa ring iisipin yung mga dapat mong gawin, altho it's ok for them kahit next year na ako bumongga ng todo todo.
7. Applications. I'm actually in the process of completing my application in a certain huge company in Ortigas. Nung isang araw, HR interview. Medyo nagmamadali sila kasi magre-resign yung isang hitad, so mega hiring sila. at gusto nila 1week pwede na magstart.
e may work pa nga ako diba. pero kaya ko naman ikembto ng 1-2weeks yun. depende pa.
at wag ako mag-feeling dahil hindi pa naman ako tanggap. haha
As of now, naka-survive naman ako sa HR interview, written pakshet-may-math-at-essay exams, interview with the team, interview with the business unit head, interview with finance, interview with the department head. At take note, mga 2 days lang yan ha. Imagine kung gaano ako ka-exhausted after lumabas ng office nila. Feeling ko nga pati head ng maintenance at janitorial services nila kakausapin ako.
Next: presidente na ang kakausapin ko. At nikakabahay akey! Juskolord! bigyan niyo ako ng superpowers, kahit yung kay sailormoon lang.
Supposedly, dapat tinext na nila ako ngayon as to when will be my scheduled interview with the president, however, I received to text from the HR. I'm assuming they texted the other applicants who can fill the position asap..unlike me na may pananagutan pa sa kumpanya ko. haha.
8. Masyado akong maganda. nakaka-stress din pala.
hahaha.
yun lang mga kapanatag.
nai-share ko lang kahit uber busy. Aga ko nagising e.
Sige, batibot muna. Byerz!
Pagoda coolwave lotion = Pagod.
Saturday, November 13, 2010
Tarugo diaries 2.0: Si Berto, Si Gelo, Si Jowa
muntik na ako malunod.
hindi pala si Chester tong kanina ko pa kinakapa.
at dahil nandaya na rin lang ako at sumilip, binongga ko na ang pagkukunwari na hindi talaga ako tumitingin, at hinawakan ko siya sa fez at sa lips.
haha.
parang yummy siya.
pero, nakatingin ang madlang friendships sa akin at ang buong Boracay kaya itinigil ko na ang kalandian ko at sumigaw ng:
"Gelo! haha"
at dumilat ako.
natakot ako ng slight kase... baka iniisip na nung mga oras na yun ni Gelo na nanchachansing na ako. (Baka? ahha. teh baka?)
at baka iniisip na din ni Chester na hinipuan ko ng 3 minutes si Gelo (which is not true. hindi pa.) ahaha
Nung nasa kwarto na kami...
ewan ko pero.. na-curious ako kung pano matulog ang dalawang baklang magjowa.
sino kaya ang bottomesa sa kanila
at sino ang top
ang hriap kase mawari.
so, hindi ko muna pinatay ang ilaw at nanood ng tv, habang sleeping beauty na ang jowa ko.
pinagmasdan ko talaga silang maigi.
naglilingkisan sila, pero parang hanggang dun lang.
parang walang aksyon na mangyayari kaya pinatay ko na ang ilaw.
Nasa mattress sa sahig kami natulog ni Chester habang ang mga lapastangang 2 couples na yun e tig-isa ng kama. Pero para-paraan din naman kami. Mas makakagawa kami ng milagro kung sa sahig kami hihiga. walang makakakita, at walang uuga-uga. ahaha
Pinasok ng kamunduhan ang payapa at dalisay kong isipan kaya lumingkis din ako sa jowa ko.
at dahil nyebe ata ang binubuga ng erkon sa hotel na iyon, nagkayelo na ang mga singit namin.
Hindi kase kaming dalawa ni Chester sanay na matulog ng may damit, kaya kahit sa north pole siguro, hubad pa rin kaming matutulog. ahaha
at dahil nga malamig, gabi man ay flag ceremony na ako.. at papatalo pa ba ang jowa ko, nagpapanatang makabayan na yung kanya at tirik na tirik.
At nangyari na ang dapat mangyari,
itinaas ko ang volume ng halinghing ko ng apat na guhit.
gusto ko sana maramdaman nung dalawa na naglalaro kami ng bahay bahayan ni Chester at inggitin sila. at biglang magkayayaan ng Borgy Monotoc.
Pero walang bumalik sa aking panaghoy. Deadmakels.
Kinabukasan...
Habang kumakain ng lunch.. sabi ni Berto:
"Uy, mamaya ha, kami naman ni Gelo sa sahig matutulog. nakakhiya naman sa inyo. Kayo pa ang dun sa ibaba."
pak!
mukhang.. ahaha. alam na!
Pagkauwi namin sa Maynila (parang promdi lang), after ilang araw, nagkitakita ulit ang mga nagpunta ng lahat ng cast ng Boracay escapade sa isang inuman-wasakan-ng-atay hub somewhere in Pioneer.
Nagkita-kita muna kaming 4 nina Gelo, Berto, at Chester sa Trinoma. Dun kase iniwan ni Berto ang kanyang tsikot, at para sabay sabay na pumunta. May pinabili din ako sa kanya sa Boracay nung may nakalimutan ako at since naiwan naman sila dun for a day, nagpabili na ako. at dahil jan kailangan ko talaga sila i-meet.
uuy..para-paraan.
ahaha
First time kong makita si Berto na naka-pang jopisina look. (tangena. hindi ako prepared. nakapangmahirap lang akong tshirt. haha)
hindi ko naman maitatangging bagay sa kanya.
lalo pa nung nalaman kong siya yung magda-drive.
may something kase sa mga ganun na natu-turn on ako.
(parang kasambahay lang na nainlab sa amo. ahaha)
I mean, siguro part na din ito yung mga bagay na frustrations ko sa syota ko.
(number 1 wala yun tsikot at ayaw mangarap ng mataas, number 2, parang ayaw nun sa corporate world at nasusuka sa mga ingglesan namin kahit na trabaho lang)
Another bonding experience with becky friends ulit.
May matching pichur pichur moments pa kaming apat. Monthsary din kase ni Gelo at Berto. Pang 3 years and blah blah months na sila nun.
Medyo nagulat lang ako nun. Going strong ang mga hitad! (shet walang chance..ahah) Pero papatalo ba naman kami ng jowa ko, ibinda kong... going 3 years na din kami. ahaha. bidabida lang.
So iyon nga at naglasingan na nga kami kasama ng ibang barkada. First time nila sa lugar at kami naman e minsan lang din dun (minsan lang mawala. haha)
Dahil feelingero ako... tinuturuan ko sila ng mga oorderin. ahaha.
pero anf totoong intension ko: nilalasing ko lang talaga sila. Ching!
Nung medyo groggy na kami, tinitingnan ko si Berto, at naaabutan ko ding nakatingin siya. (tangena sobrang feeling. haha)
Si Gelo naman, tinitingan ko din, pero suplado. ahaha. I mean, suplada. ahaha.
Mas out-going si Berto.
Si Gelo, masaya din kausap, pero tahimik lang parati.
FAST FORWARD:
Friday non, after 2 days eh birthday ko na.
Kasama ko ang jowa ko na nagbisita ng kliyente sa Makati, tapos mga 7pm, pumunta kami ng Mega mall, kase doon kami magpapalipas ng oras. May kukunin kase siya sa may Shaw na pictures/frame nung kasal ng ate niya. Pinapakuha nung ate niya at ipapa-package papuntang Singapore.
Dun lang kami sa mall nagpalipas ng oras habang iniintay yung text nung pagkukunan ng frames.
Nagtext brigade ako:
"Anung lakad mga pare? byernes na byernes ah."
at merong mga nagreply.
Si berto nagtext:
"San kayo?"
sabi ko:
"Mega Mall, may kukunin kaming something. san kayo mga bakla?!"
reply niya after 5 minutes:
"Sofitel"
reply ko:
"ay extension ng monthsary?? ahaha. go go go! jusko, gagawa lang kayo ng bata sa sofitel pa. pwede naman sa sinehan. ahaha"
Nagtext na din sa wakas ang iniintay namin ni Chester.
Sa wakas talaga. Medyo mainit na din ang ulo ko (sa taas ha) sa pagod, gutom, at antok. Alas dose na ata ng gabi nun.
Napakaliblib pa ng pinuntahan namin sa may Shaw. Bahay ni Lola ata ang theme ng architect nung gawin niya yung bahay.
napakadilim. Hinawakan ko pa yung phone ko at yung bulsa ko at baka may manggahasa sa aking dalisay na pagkatao.
Pagbukas ng pinto lumabas yung babaeng imi-meet ni Chester.
at nang pagpasok ko...
" HAPPY BIRTHDAY!!!"
andun sina Berto, Gelo, at iba pang friends na katext ko kanina-nina lang..
wala na akong nasabi kundi:
"Pucha ha, napaka-unique nito. papatayin ilaw, tapos bubuksan tapos sasabihin happy birthday.. ahaha...
hulaan ko may magaabot ng cake sa akin at papahipan yung candles."
at true enough... meron nga. ahaha..
plus with matching flower pa na parang guest ako sa isang talkshow.
Out naman kase ako sa barkada. Sila pa ba ang lolokohin ko at pagtataguan ko tapos kasama ko lagi si Chester. ahaha. Parang Sam-Piolo lang. Gusto ko man gawin silang shunga, e hindi naman sila papayag. kahit na mukha lang kaming highschool varsity barkada ni Chester.
Sailor Soldiers inspired ang party. ahaha.
Napagkatuwaan kase namin dati mag-tag ng video ng complete transformation ng lahat ng sailor soldiers..
siempre... ako si Serenity aka SailorMoon.
ahaha.
Moving on... natapos ng mga 2am ang party namin sa haunted house na yun.
Pero... pero...
may after party pa kami.
nagkayayaan ako, si Chester, Berto, Gelo, May, at Jai.
Jumapan na kami sa may Ortigas at rumampa at um-aura sa mga Mahalya Fuentes na Bars don.
It turned out, pag-uusapan lang pala namin ang mga problema nitong si May at ang boypren niyang jusko-lord-glitters-na-lang-sa-gitna-ng-noo-baklang-bakla-na look.
sinabihan na namin na kapanatag nina carmina villaroel at Jodi Sta. Maria ang jowa niyang si Jared eh tinuloy tuloy pa rin ang pakikipagrelasyon. Che! ayan napala mo, hinahanapan ka tuloy ng jetits ngayon.
Nagkakwentuhan na naman ang mga bakla.
nagtatawanan at inaakit ang mga hot office boys sa kabilang table at hinuhusgahan ang lahat ng karne kung sumusubo ng talong o hanggang pasubo lang. Of course in a descreet at biglang tatawa ng malakas kinda way, at walang kaalam alam ang mga katabi naming sila na ang pinagpapantasyahan ng mga engkantada. haha
katabi ni Gelo si May at Jai
kaharap nila kami: Chester (sa kaliwa ko), Ako, at Berto (sa kanan ko).
at dulot ng kalasingan...
may naisip akong gawin.
gamit ang aking kanang kamay.. habang tumatawa sa kwentuhan at habang hawak ng kaliwang kamay ko ang baso ng mixed drinks.... sinubukan kong ipatong ang kamay ko sa naka dekwatrong hita ni Berto.
..dahan dahan kong hinimas hanggang...
*itutuloy*
Tuesday, November 9, 2010
iTHONG kwento ko
Kung ganito na ang katawan ko...
...kahit ganito na lang ako pumasok ng opisina, keri lang. ahahah
aaraw-arawin ko.. iba ibang kulay. ahaha
Monday: tamodish white
Tuesday: pepe pink
Wednesday: bulbolish black
Thursday: Reglaic Red
Friday: Uhogish Green
makinis...
malaman...
masarap..
tingin niyo mga pare... Malaki din? parang walang bumabakat. considering skimpy kung skimpy de leon tong tapis nya. este brip.
na-imagine ko na.. sasakay ako ng jeep, mrt, at bababa sa makati o sa QC..
pero helleuuwrr.. syempre hindi lang yan ang suot ko noh! ano ako abnoy?
syempre magdadala ako ng payong. maulan kaya. mamaya mabasa at ginawin pa ako.
haha
nakita ko 'to ng malapitan. may make up.
pero.. pasado na din. aprubado na ng BFAD at may certification ng Superbrands.
exhibit A:
mapapatunayan nating... hindi sa kanya bagay ang may saplot.
Exhibit B:
Kitang kita na bagay sa kanya ang walang tabing o tapis. Sa hatol ng saligang batas. ahahah
Segue lang... may kwento ako tungkol sa tback.
parang napaka-malas ko sa spin the bottle.
tinadhana ata akong gumawa ng mga dares at umakyat ng puno habang lasheng.
dahil nang umulan ng kamalasan sa Truth or Dare ay naka baligtad ung payong ko..
heto at ako ang lumaklak ng sandamakmak na iba't ibang klaseng alcohol, may tequila, isoprophyl, at rubbing.
hindi ako ang nagpasimuno nitong dare na ito ha! ahaha.. kusa nila itong naisip.. at wala naman akong magagawa kundi tumupad sa rules ng laro. ahaha
ang arte arte niya.
Im close! ahahha
at hindi natapos ang gabi....
Ang gusto niya ata. cheeks ko sa likod. ahaha
Kaya nung nag truth or dare sa Boracay with our friends...
napa-gawa ako ng sariling version ng pamosong bench ritual ni Wendell Ramos nang wala sa oras, panahon, at tamang timbang.
O ayan Hard. request mo. hehe nakakahiya naman, nirequest mo e. ahaha
shet Kakahiya!
Ilan na nga ba?
- berto (1)
- bisyo (1)
- boracay (2)
- boys (2)
- bus (1)
- diary (2)
- emo (1)
- fantasy (1)
- gags (1)
- gelo (1)
- guys (5)
- guys. tarugo (1)
- horny (3)
- inuman (1)
- jerjer (1)
- jowa (5)
- kama (1)
- kwento (1)
- lalake (3)
- lalake tarugo series (1)
- life (2)
- list (1)
- Marimar (1)
- news (1)
- opinions (1)
- problems (1)
- random (3)
- religion (1)
- stories (1)
- tarugo series (1)
- thong (1)
- thoughts (1)
- travel (1)
- trip (1)
- wendell (1)
- wendell ramos (1)
- work (1)